Milo

2 sachet ng milo sa isang basong tubig.
masarap. matamis. chocolatey.
pero ang side effects - Diabetes.

may mga bagay na masarap gawin.
pero sa huli, alam mong nakakasama
kaya hanggat maaga pa,
mas mabuti ng iwasan na.
para hindi nagsisisi sa huli :)

-- sleep :)

Meet the "Stranger"

Maliit ang mundo, pero kahit gano pa kaliit ito, at kahit na sandamukal pa ang tao sa earth, may mga taong pinagtatagpo pero hindi nakalaan para sa isa't isa.

dumadating ang mga pagkakataon na, ang dating "estranghero", makilala mo lang, nagiging "mundo" mo na, pero once na nasaktan ka, ewan ko lang kung di siya maging "basura" sa paningin mo.

paano kaya yun pinaghahandaan? or should i say, handa ba tayo sa mga ganoong sitwasyon? pero hindi natin alam kung kelan mangyayari ito.

from strangers, to friends, then lovers, turned into trash-talkers, back to strangers.

galing! may cycle. pero never ng bumabalik mula sa magandang samahan. dun na nagtatapos ang kwento. pero may iba namang bumabalik sa friendship stage pero asahan natin na may lamat na ang samahan at hindi na umuusad ulit into lovers. pero minsan, masasabi mo sa sarili mo na sana, habang-buhay nalang siyang estranghero at never na naging mundo mo, para hindi na siya nakadagdag sa mga kalat na nakikita mo.


Based on experience? OO :))