Are You One of Us?

Gaano ka katiyaga sa pag-iintindi ng isang kaibigan?

Minsan sa mga kaibigan, hindi natin magawang magpasensya kapag lumagpas na siya sa limitasyon niya. Kahit gaano mo pa pinapahalagahan ang pagkakaibigan niyo, darating sa punto na magsasawa ka na sa kakaintindi sa kanya. Pero hindi ganyan ang tunay na kaibigan, dahil ang true friends,

- Hindi mang-iiwan sa gitna ng problema.
- Hindi mag-sasawa kakasita kapag may nakitang mali.
- Hindi ka ipagpapalit sa mga bagong kaibigan

At higit sa lahat, Hindi ka tutulungang tumayo kapag nadapa ka, bagkus, hahayaan ka niyang tumayo sa sariling paa para matuto ka mula sa iyong pagkakabagsak.

One thing about real friends, kahit gaano pa kabasagulero, barumbado, adik, topak, sayad o sira-ulo man yang kaibigan mo, tanggapin mo kung ano siya, dahil hindi mo siya magiging kaibigan,

kung hindi ka katulad sa kanya ;)

And He Waited

Hindi ko lubos maisip, sa lawak ng mundo, sa sobra-sobrang pulo sa Pilipinas at sa dami ng tao sa Maynila, bakit kaya pinagtagpo kayo ng taong mamahalin mo, pero hindi kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay mo. Isa lang naman ang wish ko, ang “iLike” din ako ng taong gusto ko makasama habang-buhay.

Ilang taon, buwan, araw, oras na ang hinintay ko. Waiting in vain sa LRT station, sa paradahan ng jeep sa kanto, sa labas ng campus, at sa tapat ng gate ng bahay namin, ngunit wala akong nakitang anino mo.

Isang araw, nagulat ako, nang bigla kang dumaan ka sa harap ko, tinawag ko ang pangalan mo pero hindi mo man lang nagawang lumingon.

Mahina ba ang boses ko? o sadyang bingi lang ang puso mo?