"Naiwan ka na ba ng taong pinakamamahal mo? O naranasan mo na bang ipagpalit ka ng taong hindi mo inaakalang gagawin yun sa'yo? Isa lang ang masasabi ko, "MOVE ON!"
Dalawang salitang madaling sabihin, pero isa sa mga bagay na mahirap gawin.
Gaano ba kahirap ang makalimot sa nakaraan at harapin ang kinabukasan?
Mahirap bang magpatawad at tanggapin ang kamalian ng isang taong alam nating hindi perpekto?
Bilog ang mundo. Nagbabago ang tao. Madaming bagay ang maaring mangyari sa loob ng isang minuto. Pwedeng maging masaya, maging malungkot, maging nakakatakot, o kaya nama'y maging nakakapraning. Moodswings ika nga. Hindi naten mapipilit ang isang tao kung ayaw na niya. Anong magagawa mo, kung ayaw na ng puso niya? Hindi naman naten pwedeng ipilit ang gusto naten para lang maging masaya tayo. Ang selfish naman ata nun.
Minsan, may mga bagay na kailangang tanggapin kahit labag sa kalooban naten. Ito ang isang paraan kung paano makakamove-on. ANG MAKALIMOT AT TUMANGGAP. Oo, madaling sabihin pero mahirap gawin.
MAKALIMOT
Kalimutan ang lahat ng masasamang alaala at simulang gumawa ng bagong magaganda. Hindi pa naman siguro ubos ang oras mo para hindi mo magawa yun. You have all the time in the world to be happy. Life is fair. Ikaw lang siguro ang nagsasabing unfair ito dahil sa mga bagay na nararanasan mo. Try mong kalimutan ang lahat ng sakit ng nararamdaman mo, at ang taong gumawa nito sayo. Ewan ko lang kung masabi mo pang madaya ang buhay. Dahil kailanman, hindi naging madaya ito. Ikaw mismo ang gumagawa ng ikakasaya at ikakaalugmok ng buhay mo.
TUMANGGAP
Kapag nakalimutan mo na ang lahat ng bagay na nagpapakasakit sayo, dun mo palang matututunang tumanggap. Hindi man madali ang pagkalimot, pero once na nagawa mo, isang malaking achievement na yun! Alam nating hindi madali, kaya nga nauso ang linyang "PATIENCE IS A VIRTUE" para maghintay sa tamang oras at panahon. Pero OA naman kung isang taon na, hindi ka pa nakakalimot.
Sabi nga nila, "move on move on din pag may time." kung di man yung ang time mo to shine, then you have all the time in the world to find your star. Hindi pa end of the world, may panahon ka pa! Just continue to find the brightest star of your life.
DON'T BE BITTER, JUST BE BETTER.
Now Playing: When I was your man.