Just keep swimming

rejection. anong feeling? malamang masakit. nakakatangang sagot para sa nakakatangang tanong.

sino ba naman ang matutuwa pag nireject sila? wala naman diba? nakakaubos ng pagakato, pero wala tayong magawa kundi tanggapin kung ano man ang nangyari. ako, feeling ko, immune na ako, sa dami ng beses ba namang mareject ng opinyon ko, ngayon pa ba ako magrereklamo?

Gusto ko lang ikwento ang aking na-experience ngayong bakasyon. Isang beses, sinubukan kong mag-apply ng summer job sa isang call center sa Makati. sabi nila, mahirap daw ang exams dun. at dahil summer job lang naman ang hanap ko, hindi ko inintindi ang mga sinabi saken ng mga kaibigan ko tungkol sa kumpanyang iyon.

pagdating ko sa nasabing kompanya, agad akong nagfill-up ng application form, etc. pagkatapos, sinabihan akong maghintay muna ng turn ko para mainterview. makalipas ang halos isa't kalahating oras ng paghihintay, narinig ko na ang pangalan ko mula sa isang babaeng nagngangalang "Anne". pumasok kame sa isang kwarto na kung saan kasya ang 5-6 na tao. matapos kameng paupuin, isa-isa kameng tinanong tungkol sa aming kurso at posisyong balak aplayan. sa kasamaang palad, hindi pa nag-iiinit ang pwet ko sa silya, pinatayo na agad ako at sinabing bumalik nalang daw ako kapag gusto ko na ng permanenteng trabaho. hindi daw kase sila tumatanggap ng "summer job" or "part-time" job applicants. tumayo ako sa kinauupuan kong may dalang lungkot at pagkadismaya. sayang naman ang effort ko sa pagpunta, ang paghihintay ko ng matagal, at ang pamasaheng ginastos ko. pero hindi ko na masyadong inisip ang mga bagay na iyon dahil mas pumasok sa isip ko na, naranasan ko na naman ang matanggihan. pero sa pagkakataong iyon, sinabi ko sa sarili ko na kahit ilang beses man akong i-reject, hinding hindi ako susuko sa buhay.

Sabi nga nila,

Life is a river that continues to flow and nourishes the tree. It is connected to the ocean that signifies a greater & bigger chapter of life and challenges to face.