The Bitterness of Life

"Naiwan ka na ba ng taong pinakamamahal mo? O naranasan mo na bang ipagpalit ka ng taong hindi mo inaakalang gagawin yun sa'yo? Isa lang ang masasabi ko, "MOVE ON!"

Dalawang salitang madaling sabihin, pero isa sa mga bagay na mahirap gawin.

Gaano ba kahirap ang makalimot sa nakaraan at harapin ang kinabukasan?

Mahirap bang magpatawad at tanggapin ang kamalian ng isang taong alam nating hindi perpekto?

Bilog ang mundo. Nagbabago ang tao. Madaming bagay ang maaring mangyari sa loob ng isang minuto. Pwedeng maging masaya, maging malungkot, maging nakakatakot, o kaya nama'y maging nakakapraning. Moodswings ika nga. Hindi naten mapipilit ang isang tao kung ayaw na niya. Anong magagawa mo, kung ayaw na ng puso niya? Hindi naman naten pwedeng ipilit ang gusto naten para lang maging masaya tayo. Ang selfish naman ata nun. 

Minsan, may mga bagay na kailangang tanggapin kahit labag sa kalooban naten. Ito ang isang paraan kung paano makakamove-on. ANG MAKALIMOT AT TUMANGGAP. Oo, madaling sabihin pero mahirap gawin.

MAKALIMOT

Kalimutan ang lahat ng masasamang alaala at simulang gumawa ng bagong magaganda. Hindi pa naman siguro ubos ang oras mo para hindi mo magawa yun. You have all the time in the world to be happy. Life is fair. Ikaw lang siguro ang nagsasabing unfair ito dahil sa mga bagay na nararanasan mo. Try mong kalimutan ang lahat ng sakit ng nararamdaman mo, at ang taong gumawa nito sayo. Ewan ko lang kung masabi mo pang madaya ang buhay. Dahil kailanman, hindi naging madaya ito. Ikaw mismo ang gumagawa ng ikakasaya at ikakaalugmok ng buhay mo.

TUMANGGAP

Kapag nakalimutan mo na ang lahat ng bagay na nagpapakasakit sayo, dun mo palang matututunang tumanggap. Hindi man madali ang pagkalimot, pero once na nagawa mo, isang malaking achievement na yun! Alam nating hindi madali, kaya nga nauso ang linyang "PATIENCE IS A VIRTUE" para maghintay sa tamang oras at panahon. Pero OA naman kung isang taon na, hindi ka pa nakakalimot. 

Sabi nga nila, "move on move on din pag may time." kung di man yung ang time mo to shine, then you have all the time in the world to find your star. Hindi pa end of the world, may panahon ka pa! Just continue to find the brightest star of your life.


DON'T BE BITTER, JUST BE BETTER.

Now Playing: When I was your man.

Sacrifice

When you love truly,
you have to learn how to sacrifice.

Sacrifice your time
Sacrifice what you have
Sacrifice everything

Just for the sake of love.
No if's, no but's
Just Love :)

Anino

I don't know why I'm feeling this way.
I felt sooooo left behind,
It's like nobody cares about me,
And no one really loves me.

Hindi ko naman dapat maramdaman to.
Kase sa pagkakaalam ko,
may mga taong sumusuporta at nagmamahal sa'kin.
Pero bakit sa panahon ngayon, ramdam ko,

Anino ko lang ang kasama ko?

Pakialam

Kung wala siyang pakialam sa nararamdaman mo,
Huwag mo ng ipagsiksikan ang puso mo.

Kahit anong gawin mong pagpapapansin sa kanya,
Kung ang atensyon naman niya ay wala,
Wala ding silbi ang bawat "efforts" mo.

Matuto kang pahalagahan ang sarili mo bago mo isipin ang ibang tao.
Dahil bukod sa'yo, walang ibang magmamahal, sa'yo ng totoo.

Happy Ever After

"And they lived happily ever after. THE END."

Sa bawat fairytales, eto ang nababasa naten sa dulo ng kwento.
Pero naisip ko, paano nagkakaron ng "Happy Ever After",
kung sa bawat dulo ng story book ay may THE END?

Tulad ni Shrek at Fiona, Super Mario at Princess, Lahat ng tao ay may kanya kanyang love story. May kanya kanyang "princess" at "prince charming". Iba't iba nga lang ang simula at ending. Yung iba, nagsimula happy ever after, pero nagtapos din sa the end. May iba naman akala mo the end na, pero magtatapos din pala sa happy ever after. Pero may mga namumukod-tanging love stories na nagsisimula at nagwawakas sa happy ever after. Walang THE END. Kung tatanungin mo kung Pwede yun? Isa lang sagot ko, "Oo, pwede yun"

Sino ba naman ang makapagsasabi ng kahihinatnan naten sa buhay? Lalo na pagdating sa usapang pag-ibig. Wala naman diba? Kahit pa si Destiny, si Fate, o si Serendipity, hindi nila alam yun. Tanging si Lord lang ang nakakaalam. Ikaw, sigurado ka bang siya na talaga hanggang sa huli? Paano ka nakakasigurado?

Hindi sa lahat ng pagkakataon, iaasa o isisisi naten sa tadhana ang buhay naten, dahil tayo mismo ang gumagawa nito. Ano bang pakialam ng tadhana sayo at sa lovelife mo? Ano bang mapapala niya kung maging "happy ever after" o "the end" ang maging takbo ng buhay pag-ibig mo? Depende parin sa prince charming mo kung paano niya tutupadin ang ever after na gusto niyo.

Happy Ever After does exists. Maaari mong matupad yun, hindi man sa paraang nakatadhana sa'yo, pero magagawa mo sa paraang gusto mo.