Milo

2 sachet ng milo sa isang basong tubig.
masarap. matamis. chocolatey.
pero ang side effects - Diabetes.

may mga bagay na masarap gawin.
pero sa huli, alam mong nakakasama
kaya hanggat maaga pa,
mas mabuti ng iwasan na.
para hindi nagsisisi sa huli :)

-- sleep :)

Meet the "Stranger"

Maliit ang mundo, pero kahit gano pa kaliit ito, at kahit na sandamukal pa ang tao sa earth, may mga taong pinagtatagpo pero hindi nakalaan para sa isa't isa.

dumadating ang mga pagkakataon na, ang dating "estranghero", makilala mo lang, nagiging "mundo" mo na, pero once na nasaktan ka, ewan ko lang kung di siya maging "basura" sa paningin mo.

paano kaya yun pinaghahandaan? or should i say, handa ba tayo sa mga ganoong sitwasyon? pero hindi natin alam kung kelan mangyayari ito.

from strangers, to friends, then lovers, turned into trash-talkers, back to strangers.

galing! may cycle. pero never ng bumabalik mula sa magandang samahan. dun na nagtatapos ang kwento. pero may iba namang bumabalik sa friendship stage pero asahan natin na may lamat na ang samahan at hindi na umuusad ulit into lovers. pero minsan, masasabi mo sa sarili mo na sana, habang-buhay nalang siyang estranghero at never na naging mundo mo, para hindi na siya nakadagdag sa mga kalat na nakikita mo.


Based on experience? OO :))

Pain-LESS

One line mula sa sermon ni Father ng Homily kanina:

may isang babae na walang asawa, tinanong niya ito, “Bakit ayaw mong mag-asawa?” sumagot ang babae, “kase po nasaktan na ako nung unang beses akong nagmahal, ayoko na maulit.”

PAIN. How will you describe it?

ayon sa http://education.yahoo.com/reference/dictionary/entry/pain,
Pain is an unpleasant sensation occurring in varying degrees of severity as a consequence of injury, disease, or emotional disorder.

at ayon naman sa dalawa kong kaibigan,

Pain is a complete opposite of pleasure
- C.B.Guerrero


Pain causes you to get hurt
- J.M.del Villar


Mga simpleng kahulugan, pero may malalim na paliwanag, depende sa kung sino ang magbibigay ng kahulugan.

PAIN o sakit sa tagalog.

kirot, kalungkutan, sama ng loob, lungkot.
iba pang tagalog na salitang may kaugnayan sa salitang “sakit”

hindi naman lahat ng sakit na nararamdaman ay dahil na sa break-up o iniwan ng minamahal. pwede din namang makaramdam ng sakit kapag nasusugutan (literally). sa totoo lang, lahat ng tao, nakaramdam na ng sakit. kahit pa yung mga baby na bagong panganak, nasasaktan eh.

pero bakit may mga taong ayaw masaktan? kahit hindi pa nila nasusubukan, umaayaw na sila. dahil ba sa naramdaman na nila yon at hindi sila madaling nakarecoverer? sa katunayan nga, mas nagiging malakas tayo, natututo tayong bumangon at tumayo pag nasaktan, tulad ng isang bata na kapag nadapa, agad agad itong bumabangon. sa kadahilanang ayaw natin na habang-buhay tayong iiyak sa kamaliang nagawa natin o ng iba satin.

at para sa’kin,

PAIN is the true feeling when you take the risk of falling…





in LOVE :)

I will never forget

thanks meg! :) you never forget :)

grabe, message palang niya,
nagshushoot-up na ang bp ko,
tumataas na ang heart rate ko.
at ang bilis ng lub dub sa dibdib ko.
Iba Epekto MO Saken.

- aug.25.2011

Times Up!

1:43, ang oras na madalas kong makita tuwing titingin ako sa relo.

may significance? nagkataon nga lang ba o sinasadya ba talaga ng panahon? aba ewan. di ko alam.

143 (numerical code for I Love You)
I Love You sa English
Mahal Kita sa Tagalog
Wo Ai Ni sa Chinese
Je t’aime sa French
Ti Amo sa Italian
Aishite Imasu sa Japanese
Saranghae sa Korean

ang salitang patok na patok pero gasgas na gasgas.
pasensya na, di ako naniniwala sa salita.
try mo iparamdam ng matuwa ako.
kaso minsan parang multo,
BIGLANG NAGLALAHO.

nung bata kase ako, tuwang-tuwa ang puso ko,
pero habang tumatanda ako, nagtatanda din ako.

minsan na kasing may nagsabi,
“I Love You from the bottom of my heart”
pero bakit ang ending, naging,
“I Love You, KASE ANG SARAP MO PAGLARUAN”





btw, this is not based from experiece :)
*di din ako defensive. haha xD

Treats for everyone

MASAYA. That's what I can feel right now. There's this feeling of being contented 'coz you made something productive today.

produktibo? wooooow aaah!
may bagong word sa bokabularyo ko.
haha! ano nga ba nagawa ko?

umaga. 11 na kaya ako nagising. haha. nagluto ng lunch ko - beans, tuna, wheat bread, salad, milk and water (diet ako eh) then mga 3, nagpunta ng paco to do "council thing" ang magprint ng mukha ng iba't ibang kilalang tao sa aming kolehiyo. pero secret na yung ibang detalye. haha!

pero wait, teka! babasa muna ako ng isang powerpoint. hihi :)
(after 3 hours...)
i'm back. haha.

so ayun nga, i met some of my few friends sa paco, coz i super missed them a lot. ngayon ko nalang ulit sila nakita after 3 years. haha! literally 3 years :) konting kwentuhan and kamustahan. and there, mga 6:30, i decided to go home.

around 7p.m. i prepared my dinner, boiled chicken, wheat bread and water (syempre diet paren) oh btw, plus sunkist and apples which I shared to some of my dorm friends (charles, calvin, joy, paolo & alfred) kelangan talaga nagdrop names ako noh? haha :) lalungss (ayan na naman daw ako sa luuuuuungs ko, sabi ni charles), natuwa ako magshare eh. haha. and namahagi din ako ng toyo ko este soysauce (wala akong toyo aaah). hahaha!

so after that, i started to study for my quiz tomorrow :) kahit medyo tamad ako. haha. and guess what, I spent agaiiin for a cup of coffee. urgh! well, effective naman kase hanggang ngayon (1:55a.m. na) gising parin ako. whew :)

11p.m. we went back to dorm, para ano? para mambulabog sa ibang kwarto (well ako lang naman yun) haha! kaya hanggang ngayon, gising pa ako, kase magbabasa pa ako. sana lang may pumasok sa utak ko :) anw, havta go. latersss readersss!

P.S.
Charles, Sorry. alam mo kung baket :) peace offering: isang plato ng yakisoba. haha! enjoy :D

Friends to keep or kick?

bakit kaya ganun? may mga tao na sa simula mo lang kaibigan. pero kapag nagtagal na, parang hindi mo na kilala. well, marami na akong nakilalang ganyan. at may category din ako para dyan.

- mga “kaibigan” sa tunay na buhay, friends din sa facebook. pero pag nagtagal, hindi man lang makabati ng “hi/hello”

- mga “kaibigan” sa facebook (kilala din personally) pero kapag nakita sa personal, akala mo parang may sakit kung makaiwas.

well eto pinakamatindi,

- mga “kaibigan” na sa simula super todo kung makapagtext, akala mo parang walang bukas. sa susunod na araw, parang bulang biglang mawawala. kaya pala siya wagas kung makapagtext, kase hindi mo na mararamdaman ang presensya niya in the future. at kapag tinext mo ulit, tatanungin ka ng “hi. sorry, who’s this?” saklap. akala mo walang pinagsamahan.

o tinamaan ka ba? haha :P
based on experience kase eh. haha!

Just keep dreaming

dreaming of being robbed is not fun.
sometimes, all you have to do is to
wake up and STOP.
"Wait, did it happened for a reason?"

I got tired of waiting

kung ang tao na nagpapahinga ay napapagod,
pano pa kaya ang pusong walang tigil sa pagtatrabaho?

hindi sa lahat ng pagkakataon,
kaya kong maghintay. dahil,
tulad ng iba, napapagod din ako.

---

iiwan ko na 'tong palaisipan para
sa lahat ng makakabasa nito :)

Eye-bugging eyes

the eye is the window of the soul.
pero ‘pag puyat ako, asahan mong,
mas mukha akong soul! Haha :)) =)

naranasan mo na bang hindi
matulog ng bente-kwatro oras?
eh yung mas higit pa don?
well, ako OO.
Madalas, o sabihin na nating,
halos araw-araw mula ng
tumuntong ako ng PT proper.
malalim at namamagang mata.
hindi lang yan, may kasama pang
bonus na eye-bugs.

nung una, naiinis ako sa dulot nito.
pero naisip ko, pinagpuyatan ko ‘to eh.
kaya mamahalin ko ‘to! haha :D

ngayon, hindi na naman ako natulog.
simple lang, kase may pasok ako ng maaga.
at naglaro ako. haha! (magaling ako eh)
ending, mukha akong tsonggang puyat!

namamaga.nangingitim.malalim
may extra pagod at stress pa yan.
pero kahit na ganun,
excited ako sa overnight namin. hihi.
namiss ko kase mga kaibigan ko eh :)
for sure, gising na gising ako
sa kwentuhan at tawanan.
LALO NA SA MGA CHISMIS NI TIN!
Haha. Ganyan kita namiss eeh :P

so, pano ba yan.
i’m off for the mean time :)
Laterrrs.

RCT Tx

Sweetness can cause too much PAIN.

Bakit ko nasabi? Wala lang, trip ko lang. sakit kase ng ngipin ko eh. haha!
(pero ano nga naman palang care niyo sa ngipin kong makirot-kirot, eh hindi naman yung sa inyo yung masakit. haha! drama luuungs.)

And this was my day, madaming masakit.

I woke up around 7a.m. nakatulugan ko pala yung laptop ko. bagal kase ng internet namin eh. pesteng globe yan, panira ng schedule. haha! Anyway, back to topic. So ayun nga, maaga ako nagising, pero dahil inaantok ako, nakatulog ulit ako. May appointment ako sa dentista ng 9a.m. biglang nagtext yung tita ko, sabi niya 10a.m. nalang daw. buti nalang na-adjust, may balak pa talaga kasi akong managinip. haha. so ayun, pagdating ng 9:30, (hindi pa ako kumikilos, kase nga ang tamad ko) nagtext yung dentista ko na 11 nalang daw ako pumunta. (hay buti nalang - pero nalate pa din ako sa lagay na yan) haha! Dumayo pa ako ng UE para magpa-RCT. pangalawang treatment ko na ‘to, kaya “no sweat” ika nga. pero mali ako. pumunta ako ng dentista ng walang dalang armas. hindi ako handa para sa mga mangyayari ngayang araw. pagdating ko dun, pinabili ako ni tita ng lunch. potek, hindi ko sukat akalain na babaybayin ko ang kahabaan ng mendiola para sa dalawang piraso ng wow steak sa KFC. talagang “WOW” dahil sa sobrang layo. hindi pa ako nakakapunta dun, gutom na ako. eh syempre babalik pa ako sa pinangalian ko, jusme, doble-dobleng init at pawis sa kilikili ang inabot ko. naka-longsleeved cardigan pa ako. san ka pa. katirikan ng araw, ginaw na ginaw ang outfit ko. haha. O hindi pa tapos. wait.

pagkatapos ko maglunch, eto na treatment. nakikita ko na ang mahiwagang silya na aking bubutasin. akalain mo yun, sa isang upuan, limang oras lang naman akong nakanganga. sakit sa panga! at eto matindi. hindi ko sukat akalain na may ganitong laban. hindi ako prepared (maygalibeybehh) malay ko bang tuturukan ako ng injection para sa anesthesia. (sakit kaya yun) manhid tuloy yung isang quadrant ng mukha ko. tapos may iniinject pang gamot na (shet sana hindi nalang ako nagpatreatment) LASANG ZONROX (kahit di pa ako nakakatikim nun) kadiri kaya! nakakasuka. pero ano pa bang magagawa ko, nakaupo na ako eh. haha! tapusin na to, para makauwi na ako. :D

7:15, ayan ang pinakahihintay kong oras ngayong araw. natapos ang kalahati ng treatment ko. uuwi na ako. ay hindi, mag-e.SM pa pala ako. Btw, nakabili na din ako ng inaasam asam ko na chizmuffin. hahaha. okay moving on. dapat magdidinner kami sa SM nila (Jet, JL & AJ) kaso hindi ko alam kung bat napunta kami sa faustina’s. haha :) dun ko lang narealize na, hindi madaling kumain pag may anesthesia sa bibig. (grabidaad lang talaga)

Pagpasok ko ng clinic, walang masakit sakin.
Pero paglabas ko, ansakit na ng ngipin ko :((

Sana pala, hindi nalang ako nahilig sa matamis. para hindi ako nagpapakahirap magsalita at kumain ngayon.

I Just Remembered, "Estudyante Pala Ako"

sa kadahilanang walang pasok
at bumabagyo sa paligid ng mga pader ng intramuros,
dama ko na hindi ako estudyante ngayon.

alas 9 ‘y media. naalimpungatan ako.
(anlamig kaya!) pagtingin ko,
nakatutok sakin ang electric fan na
nasa number 3. (ahhkayapala)
sa pagkakatanda ko kagabi,
naglalaro pa ako sa phone ng pinsan ko.
pero ending bagsak ako.

Pagod.Puyat.Lamig

aaaaang sarap matulog.
kaya kahit wala pang 12,
pikit na ako. hahaha!
Hindi pa pala ako nakakapag-aral
para sa 3 subject namin bukas
pukpukan na naman ‘to.
puro kase walang pasok
kaya puro make-up din
Sanay na ako sa ganito.
automatic na pag nawalan ng pasok,
“okay, make-up tayo nextweek”
nakakapagod. pero masaya.
eto pinili ko eh. wala ng atrasan.
pero minsan iniisip ko,
sana nag-archi nalang ako,
sana interior designing nalang kinuha ko.
sana ganito, sana ganyan.
pero kahit na sobrang dami kong gusto,
napamahal na rin ako sa kursong tinahak ko.
minsan, sa sobrang dami ng gagawin,
kinakalimutan ko muna na estudyante ako
iniisip ang mga bagay na pwedeng mangyari
pagkatapos nito. (voilaa) sinisipag na ulit ako.
“konting inspirasyon lang, makakaperfect ka na sa exams!
konting tiyaga na lang, matatapos ka na din sa pag-aaral.”

yan ang laging nakatatak sa puso’t isipan
ng isang malapit na gumraduate tulad ko.
halos 2 taon nalang, pagdating nga taong 2013
magiging isang ganap na PTRP din ako :)

Palpating My Heart and Soul

I ended up my month of july by crying,
and i’ll start this month by laughing :)

Umattend ako ng seminar/convetion kanina.
it turned out to be good. I learned a lot,
and they learned something from me too.

(they’ve found out my weakness)

Lahat ng tao ay may tinatagong “kahinaan”. minsan, ito ang nagiging daan ng pagbagsak ng isang tao mula sa taas ng pagkakalipad niya.

Sabi kanina sa seminar, ”palpate you heart” sumagot ako ng tahimik, ”nagugutom at nauuhaw po.”

siguro, may mga taong magsasabing, “ang drama mo”, “weeeh?”, o di kaya naman “ang korny mo”. Sorry naman ha? yun ang sinasabi ng hypothalamus ko eh. ‘bat ba?

pero para sakin, sa pamamagitan ng mga simple ngunit may pinaghuhugutang mga katagang ito, malalaman mo na agad ang kahinaan ko, at kahit na wala akong sabighin, masasabi kong kitang-kita ang kahulugan na nakatago sa likod ng bawat katagang iyon. sabihin nalang natin na, walang maling opinyon. mapa-maganda man o masama ang sabihin ng iba, “I Don’t Care!”

Ang bilis ng araw, lumipas na naman ang isang buwan. HANONAAAH?? wala pa ding nagbabago. kung ano ako noon, ganun parin ako ngayon.

(anobanamanyan!) syempre wag na kayo umatungal sa pagrereact na maarte ako. ganun talaga, babae ako eh. hahaha :)

Undone

Gloomy Day!

Maulan, maputik.
Pakiramdam ko tuloy,
unti-unti ding babagsak ang katawan ko :/
Di ako inspired magsulat. napipilitan lang :|
o sige aaminin ko na, Masama pakiramdam ko,
ay hindi, malungkot pala ang dapat na
itawag sa nararamdaman ko.
Pero ayokong tawagin ako na madrama ngayon!
"pnyta" lang ahhh.
hindi ko lang talaga trip tong araw na to.
abnormal kase ako eh. bat ba?
kanina lang, medyo okay pa.
naaliw pa ako makinig sa convention/seminar.

What If?

What and If.

"paano kung?" sa tagalog.

pag pinaghiwalay, walang kwenta
pero try mo pagsamahin at
gamitin as isang pahayag.
nabubuo ang isang tanong
na may malalim na kahulugan.
wala akong pinanghuhugutan,
pero madami akong katanungan.
paano kung siya na pala?
paano kung di pa?
paano kung meron pa?
paano kung wala na?
at higit sa lahat




paano kung, wala naman talaga?

hirap isipin, 2 salita,
walang kinalaman sa isa't-isa.
pero pag pinagsama,
ang lakas ng tama.

Paano kung...






GUSTO PALA KITA? :)

What's Your Worth?

another unproductive Saturday. Lagi nalang akong ganito. ikaw, kung tatanungin ka, hindi ka ba nagsasawa sa mala-monotonous na sabado?

gising ng late.kain ng late.internet.tulog

nakakasawa din kaya minsan. lalo na kapag walang nagagawang maganda. Senseless ang buhay (may ganun bang term?) anw, moving on. dapat na talagang mag-move on.

gusto ko lang magsulat ngayon. buti nalang kahit blanko utak ko, may nailalagay pa ako dito. epekto siguro 'to ng stress na nararamdaman ko. Grabe, buhay ka nga pero feeling mo, pinapatay ka naman.

2:11 na, hindi pa ako natatapos sa paggawa ng chapter 2 ng research. pano ba ako matatapos eh hindi gumagana utak ko ng matino ngayon. may seminar pa mamaya na napaka-aga. ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at nagbayad ako ng isang libo para makinig at umupo. (atleast may balak ako makinig)

hindi nagtatapos ang araw ko sa ganito. marahil, alam ng ilan kung san natatapos ang gabi ko. sanay na sila, na sa bawat pagtunog ng kanilang cellphones sa madaling araw, pangalan ko ang makikita nila. na ang mensahe ay isang GM-Goodnight. pero sana may mga taong naapreciate ang saloobin ko, hindi kase lahat nakakatanggap ng kung ano ang nararamdaman ko, sana maintindihan nila na nagiging comfort zone ko ang GM, kaya sankaterbang text messages ang natatanggap nila. pasensya po. masasabi kong isa na naman po yan sa "unproductive habit" ko, ika nga sa tagalog - walang kwenta.

Inspired

sabi sa sermon ni pastor Rey kanina,
Isa lang buhay.
maikli ito kaya, wag natin sayangin.
blessing ito kaya, ingatan natin.
nasa kamay ng Diyos ang ating kapalaran.
mamuhay ka sa paraang alam mong TAMA!

habang nagsesermon si pastor, bigla akong napaisip, "may silbi kaya ako?" hindi naman siguro ako binigyan ng pagkakataon ni Lord na mabuhay para maging "kalat" sa makulay na mundong to.

Lagi kong iniisip na masarap mabuhay pero sa kabila ng kasiyahang iyon, ang lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan. hindi natin masasabi kung kailan mabubuo ang bahay na itinatayo para sa'tin sa langit. pero bakit nga ba ito yung naisip ko? wala lang, siguro hindi pa ako ready na makita si Lord. Hindi pa din siguro ako handa na mawalan ng sama ng loob, masaktan, magutom at magtiis. TOO MUCH DRAMA WILL KILL YOU. Pero eto talaga nararamdaman ko ngayon eh. madrama ang buhay, malamya kapag puro saya lang ang nararamdaman, pero hindi ko masabi kung kelan ako nagiging masaya o kelan nagiging gray ang mundo ko. ang alam ko lang, "earphones in, volumes high, now playing:through it all" makikita mo na ang bakas ng maalat-alat na tubig mula sa mata. ang daya ng buhay. pero iniisip ko nalang na pagsubok lang ito. hindi naman ako bibigyan ng ganito ni Lord kung alam niyang di ko kaya eh. Para san pa't naging MEGAN ang pangalan ko, kung mawawalan ako ng lakas ng loob at kumpiyansa sa sarili ko.

nagpapasalamat nalang ako, andyan ang mga kaibigan ko na handang mambola, at tumulong. lalo na kapag nawawala ako sa huwisyo at konsentrasyon :)

(1:02a.m.)

"noooooo mahiya ka naman sa aming mga loyal readers mo (ako, aj, alfred atpb.)"

- nalaman kong may nagtitiis palang magbasa ng mga katatawanan ng buhay ko :) kaibigan ko nga kayo. kahit VLOGGER tawag sakin ni AJ. haha :D

Who Would've Thought

my day started around 9:30a.m. naunahan ko yung alarm ko. himala! hahaha :) another day, another exam. aral ng konti for ethics, then pasok sa school. normal na araw lang na may kasamang hangin at ulan (abnormal si juaning, nag-iwan pa ng bakas) medyo makulimlim, DI tulad ng nararamdaman ko ngayon. ewan ko ba, pakiramdam ko, maaraw ang puso ko (wahoho) CHANGE TOPIC. nakakuha ng 14/20 na score. *cool, isa nalang pasado na! haha. Role playing na sobrang masakit sa ulo (literally) dahil sa pagkakahiga sa pinaghiwalay na silya. haha. epektib. mukha akong plankerong abnormal. hahaha! lesson.lesson.lesson. 6:00 na. uwi na ako. wala kase kaming research eh. pupunta pa kame ng Paranaque. almost 10pm na nung nakarating kame dun, layo.traffic and other stuffs. kwentuhan galore. ganun siguro pag may namamatay, nagiging family reunion na din. anyway, moving on...

Mahirap mag-move on. teka.STOP.

12:30, nagutom ako. ayun inaya ko mommy ko kumain ng mcdo fries. love ko yun eh. haha. and guess what kung san kami kumain. sa Mcdo kung saan suki kame pag nalalasing AKO. sana hindi ako namumukhaan nila kuya/ate. haha! uwian time. hinatid na kame sa dorm, heto, gang ngayon 2:07 na, gising parin ako. haha. at gagawa na ako ng research :D sana may maisip ako :P

~ Laters :)

Wednesday: An unproductive day

Another unproductive day, i can say.
pero hindi naman masyado,
kasi may nagawa naman ako kahit papano.
woke up around 1:30 pm kanina (parang bakasyon lang)
suspended kase ang klase so ayun.
This started my whole day.

Lunch.Playing Cards.Ulan

ano bang meron? wala namang importante.
naglaro lang ng “pusoy dos” and “tong-its” with Aprille
then naligo sa mahinang ulan dulot ni juaning
kasama ang aking pinsan at mga kaibigan.
dahil trip namen, nilibot namin ang intra. hihi
mag-aalas sais nung bumalik kame sa casa.

Dinner.Playing Card.Wash Clothes

sawakas, may nagawa din. haha
ayun, hanggang ngayon nakababad pa
yung nilalabahan ko. haha (1:04am na)
Btw, binigyan din pala kame ng egg sandwich
na binudburan ng sankaterbang onions. haha :D
dapat onion sandwich with egg ang tawag dun eh :P
(peace AJ, JL & Emil) Haha. pero masarap :D
ayun, di pa naman dito natatapos ang araw ko,
gagawa pa ako ng research. nakahanap na din ako
ng mga journals, pero konti palang. hihi :)
sa susunod ulet. namimis ko mag-blog.
nawala kase diary ko. haha!