Happy Ever After

"And they lived happily ever after. THE END."

Sa bawat fairytales, eto ang nababasa naten sa dulo ng kwento.
Pero naisip ko, paano nagkakaron ng "Happy Ever After",
kung sa bawat dulo ng story book ay may THE END?

Tulad ni Shrek at Fiona, Super Mario at Princess, Lahat ng tao ay may kanya kanyang love story. May kanya kanyang "princess" at "prince charming". Iba't iba nga lang ang simula at ending. Yung iba, nagsimula happy ever after, pero nagtapos din sa the end. May iba naman akala mo the end na, pero magtatapos din pala sa happy ever after. Pero may mga namumukod-tanging love stories na nagsisimula at nagwawakas sa happy ever after. Walang THE END. Kung tatanungin mo kung Pwede yun? Isa lang sagot ko, "Oo, pwede yun"

Sino ba naman ang makapagsasabi ng kahihinatnan naten sa buhay? Lalo na pagdating sa usapang pag-ibig. Wala naman diba? Kahit pa si Destiny, si Fate, o si Serendipity, hindi nila alam yun. Tanging si Lord lang ang nakakaalam. Ikaw, sigurado ka bang siya na talaga hanggang sa huli? Paano ka nakakasigurado?

Hindi sa lahat ng pagkakataon, iaasa o isisisi naten sa tadhana ang buhay naten, dahil tayo mismo ang gumagawa nito. Ano bang pakialam ng tadhana sayo at sa lovelife mo? Ano bang mapapala niya kung maging "happy ever after" o "the end" ang maging takbo ng buhay pag-ibig mo? Depende parin sa prince charming mo kung paano niya tutupadin ang ever after na gusto niyo.

Happy Ever After does exists. Maaari mong matupad yun, hindi man sa paraang nakatadhana sa'yo, pero magagawa mo sa paraang gusto mo.

No comments:

Post a Comment