sabi sa sermon ni pastor Rey kanina,
Isa lang buhay.
maikli ito kaya, wag natin sayangin.
blessing ito kaya, ingatan natin.
nasa kamay ng Diyos ang ating kapalaran.
mamuhay ka sa paraang alam mong TAMA!
habang nagsesermon si pastor, bigla akong napaisip, "may silbi kaya ako?" hindi naman siguro ako binigyan ng pagkakataon ni Lord na mabuhay para maging "kalat" sa makulay na mundong to.
Lagi kong iniisip na masarap mabuhay pero sa kabila ng kasiyahang iyon, ang lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan. hindi natin masasabi kung kailan mabubuo ang bahay na itinatayo para sa'tin sa langit. pero bakit nga ba ito yung naisip ko? wala lang, siguro hindi pa ako ready na makita si Lord. Hindi pa din siguro ako handa na mawalan ng sama ng loob, masaktan, magutom at magtiis. TOO MUCH DRAMA WILL KILL YOU. Pero eto talaga nararamdaman ko ngayon eh. madrama ang buhay, malamya kapag puro saya lang ang nararamdaman, pero hindi ko masabi kung kelan ako nagiging masaya o kelan nagiging gray ang mundo ko. ang alam ko lang, "earphones in, volumes high, now playing:through it all" makikita mo na ang bakas ng maalat-alat na tubig mula sa mata. ang daya ng buhay. pero iniisip ko nalang na pagsubok lang ito. hindi naman ako bibigyan ng ganito ni Lord kung alam niyang di ko kaya eh. Para san pa't naging MEGAN ang pangalan ko, kung mawawalan ako ng lakas ng loob at kumpiyansa sa sarili ko.
nagpapasalamat nalang ako, andyan ang mga kaibigan ko na handang mambola, at tumulong. lalo na kapag nawawala ako sa huwisyo at konsentrasyon :)
(1:02a.m.)
"noooooo mahiya ka naman sa aming mga loyal readers mo (ako, aj, alfred atpb.)"
- nalaman kong may nagtitiis palang magbasa ng mga katatawanan ng buhay ko :) kaibigan ko nga kayo. kahit VLOGGER tawag sakin ni AJ. haha :D
No comments:
Post a Comment