What's Your Worth?

another unproductive Saturday. Lagi nalang akong ganito. ikaw, kung tatanungin ka, hindi ka ba nagsasawa sa mala-monotonous na sabado?

gising ng late.kain ng late.internet.tulog

nakakasawa din kaya minsan. lalo na kapag walang nagagawang maganda. Senseless ang buhay (may ganun bang term?) anw, moving on. dapat na talagang mag-move on.

gusto ko lang magsulat ngayon. buti nalang kahit blanko utak ko, may nailalagay pa ako dito. epekto siguro 'to ng stress na nararamdaman ko. Grabe, buhay ka nga pero feeling mo, pinapatay ka naman.

2:11 na, hindi pa ako natatapos sa paggawa ng chapter 2 ng research. pano ba ako matatapos eh hindi gumagana utak ko ng matino ngayon. may seminar pa mamaya na napaka-aga. ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at nagbayad ako ng isang libo para makinig at umupo. (atleast may balak ako makinig)

hindi nagtatapos ang araw ko sa ganito. marahil, alam ng ilan kung san natatapos ang gabi ko. sanay na sila, na sa bawat pagtunog ng kanilang cellphones sa madaling araw, pangalan ko ang makikita nila. na ang mensahe ay isang GM-Goodnight. pero sana may mga taong naapreciate ang saloobin ko, hindi kase lahat nakakatanggap ng kung ano ang nararamdaman ko, sana maintindihan nila na nagiging comfort zone ko ang GM, kaya sankaterbang text messages ang natatanggap nila. pasensya po. masasabi kong isa na naman po yan sa "unproductive habit" ko, ika nga sa tagalog - walang kwenta.

No comments:

Post a Comment