Friends to keep or kick?

bakit kaya ganun? may mga tao na sa simula mo lang kaibigan. pero kapag nagtagal na, parang hindi mo na kilala. well, marami na akong nakilalang ganyan. at may category din ako para dyan.

- mga “kaibigan” sa tunay na buhay, friends din sa facebook. pero pag nagtagal, hindi man lang makabati ng “hi/hello”

- mga “kaibigan” sa facebook (kilala din personally) pero kapag nakita sa personal, akala mo parang may sakit kung makaiwas.

well eto pinakamatindi,

- mga “kaibigan” na sa simula super todo kung makapagtext, akala mo parang walang bukas. sa susunod na araw, parang bulang biglang mawawala. kaya pala siya wagas kung makapagtext, kase hindi mo na mararamdaman ang presensya niya in the future. at kapag tinext mo ulit, tatanungin ka ng “hi. sorry, who’s this?” saklap. akala mo walang pinagsamahan.

o tinamaan ka ba? haha :P
based on experience kase eh. haha!

No comments:

Post a Comment