RCT Tx

Sweetness can cause too much PAIN.

Bakit ko nasabi? Wala lang, trip ko lang. sakit kase ng ngipin ko eh. haha!
(pero ano nga naman palang care niyo sa ngipin kong makirot-kirot, eh hindi naman yung sa inyo yung masakit. haha! drama luuungs.)

And this was my day, madaming masakit.

I woke up around 7a.m. nakatulugan ko pala yung laptop ko. bagal kase ng internet namin eh. pesteng globe yan, panira ng schedule. haha! Anyway, back to topic. So ayun nga, maaga ako nagising, pero dahil inaantok ako, nakatulog ulit ako. May appointment ako sa dentista ng 9a.m. biglang nagtext yung tita ko, sabi niya 10a.m. nalang daw. buti nalang na-adjust, may balak pa talaga kasi akong managinip. haha. so ayun, pagdating ng 9:30, (hindi pa ako kumikilos, kase nga ang tamad ko) nagtext yung dentista ko na 11 nalang daw ako pumunta. (hay buti nalang - pero nalate pa din ako sa lagay na yan) haha! Dumayo pa ako ng UE para magpa-RCT. pangalawang treatment ko na ‘to, kaya “no sweat” ika nga. pero mali ako. pumunta ako ng dentista ng walang dalang armas. hindi ako handa para sa mga mangyayari ngayang araw. pagdating ko dun, pinabili ako ni tita ng lunch. potek, hindi ko sukat akalain na babaybayin ko ang kahabaan ng mendiola para sa dalawang piraso ng wow steak sa KFC. talagang “WOW” dahil sa sobrang layo. hindi pa ako nakakapunta dun, gutom na ako. eh syempre babalik pa ako sa pinangalian ko, jusme, doble-dobleng init at pawis sa kilikili ang inabot ko. naka-longsleeved cardigan pa ako. san ka pa. katirikan ng araw, ginaw na ginaw ang outfit ko. haha. O hindi pa tapos. wait.

pagkatapos ko maglunch, eto na treatment. nakikita ko na ang mahiwagang silya na aking bubutasin. akalain mo yun, sa isang upuan, limang oras lang naman akong nakanganga. sakit sa panga! at eto matindi. hindi ko sukat akalain na may ganitong laban. hindi ako prepared (maygalibeybehh) malay ko bang tuturukan ako ng injection para sa anesthesia. (sakit kaya yun) manhid tuloy yung isang quadrant ng mukha ko. tapos may iniinject pang gamot na (shet sana hindi nalang ako nagpatreatment) LASANG ZONROX (kahit di pa ako nakakatikim nun) kadiri kaya! nakakasuka. pero ano pa bang magagawa ko, nakaupo na ako eh. haha! tapusin na to, para makauwi na ako. :D

7:15, ayan ang pinakahihintay kong oras ngayong araw. natapos ang kalahati ng treatment ko. uuwi na ako. ay hindi, mag-e.SM pa pala ako. Btw, nakabili na din ako ng inaasam asam ko na chizmuffin. hahaha. okay moving on. dapat magdidinner kami sa SM nila (Jet, JL & AJ) kaso hindi ko alam kung bat napunta kami sa faustina’s. haha :) dun ko lang narealize na, hindi madaling kumain pag may anesthesia sa bibig. (grabidaad lang talaga)

Pagpasok ko ng clinic, walang masakit sakin.
Pero paglabas ko, ansakit na ng ngipin ko :((

Sana pala, hindi nalang ako nahilig sa matamis. para hindi ako nagpapakahirap magsalita at kumain ngayon.

No comments:

Post a Comment