sa kadahilanang walang pasok
at bumabagyo sa paligid ng mga pader ng intramuros,
dama ko na hindi ako estudyante ngayon.
alas 9 ‘y media. naalimpungatan ako.
(anlamig kaya!) pagtingin ko,
nakatutok sakin ang electric fan na
nasa number 3. (ahhkayapala)
sa pagkakatanda ko kagabi,
naglalaro pa ako sa phone ng pinsan ko.
pero ending bagsak ako.
Pagod.Puyat.Lamig
aaaaang sarap matulog.
kaya kahit wala pang 12,
pikit na ako. hahaha!
Hindi pa pala ako nakakapag-aral
para sa 3 subject namin bukas
pukpukan na naman ‘to.
puro kase walang pasok
kaya puro make-up din
Sanay na ako sa ganito.
automatic na pag nawalan ng pasok,
“okay, make-up tayo nextweek”
nakakapagod. pero masaya.
eto pinili ko eh. wala ng atrasan.
pero minsan iniisip ko,
sana nag-archi nalang ako,
sana interior designing nalang kinuha ko.
sana ganito, sana ganyan.
pero kahit na sobrang dami kong gusto,
napamahal na rin ako sa kursong tinahak ko.
minsan, sa sobrang dami ng gagawin,
kinakalimutan ko muna na estudyante ako
iniisip ang mga bagay na pwedeng mangyari
pagkatapos nito. (voilaa) sinisipag na ulit ako.
“konting inspirasyon lang, makakaperfect ka na sa exams!yan ang laging nakatatak sa puso’t isipan
konting tiyaga na lang, matatapos ka na din sa pag-aaral.”
ng isang malapit na gumraduate tulad ko.
halos 2 taon nalang, pagdating nga taong 2013
magiging isang ganap na PTRP din ako :)
No comments:
Post a Comment