One line mula sa sermon ni Father ng Homily kanina:
may isang babae na walang asawa, tinanong niya ito, “Bakit ayaw mong mag-asawa?” sumagot ang babae, “kase po nasaktan na ako nung unang beses akong nagmahal, ayoko na maulit.”
PAIN. How will you describe it?
ayon sa http://education.yahoo.com/reference/dictionary/entry/pain,
Pain is an unpleasant sensation occurring in varying degrees of severity as a consequence of injury, disease, or emotional disorder.
at ayon naman sa dalawa kong kaibigan,
Pain is a complete opposite of pleasure
- C.B.Guerrero
Pain causes you to get hurt
- J.M.del Villar
Mga simpleng kahulugan, pero may malalim na paliwanag, depende sa kung sino ang magbibigay ng kahulugan.
PAIN o sakit sa tagalog.
kirot, kalungkutan, sama ng loob, lungkot.
iba pang tagalog na salitang may kaugnayan sa salitang “sakit”
hindi naman lahat ng sakit na nararamdaman ay dahil na sa break-up o iniwan ng minamahal. pwede din namang makaramdam ng sakit kapag nasusugutan (literally). sa totoo lang, lahat ng tao, nakaramdam na ng sakit. kahit pa yung mga baby na bagong panganak, nasasaktan eh.
pero bakit may mga taong ayaw masaktan? kahit hindi pa nila nasusubukan, umaayaw na sila. dahil ba sa naramdaman na nila yon at hindi sila madaling nakarecoverer? sa katunayan nga, mas nagiging malakas tayo, natututo tayong bumangon at tumayo pag nasaktan, tulad ng isang bata na kapag nadapa, agad agad itong bumabangon. sa kadahilanang ayaw natin na habang-buhay tayong iiyak sa kamaliang nagawa natin o ng iba satin.
at para sa’kin,
PAIN is the true feeling when you take the risk of falling…
in LOVE :)
No comments:
Post a Comment